SABAH, MALAYSIA O SABAH, PHILIPPINES?

Halos dalawandaang mga miyembro ng Royal Army of Sultanate of Sulu kasama si Sultanate of Sulu and North Borneo Crowned Prince Rajah Muda Kiram ang naglunsad ng paglusob at muling pagkain sa lupain ng Sabah tatlong linggo na ang nakakaraan.

Ang mga naglunsad ng mga pagkilos ay mga taga-suporta at taga-sunod ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III, ang kasalukuyang Sultan ng Sultanato ng Sulu.

Ngunit ang problema, mayroong ilan na kumukwestiyon sa pagiging Sultan ni Jamalul Kiram III. Mayroong ilan pa na mula rin sa hanay ng pamilya Kiram ang nagsasabing sila ang totoong Sultan ng Sulu.

Maging ang ating pamahalaan ay kinukuwestiyon rin ang awtoridad ni Jamalul Kiram. Kung kaya ba hindi ganoon naging kaseryoso ang pagtrato ng Malacanang sa isyung ito? At kung kaya’t tila kung titingnan ay pinabayaan ng gobyerno ng Pilipinas ang mga 200 armadong Pilipino roon?

Matapos ang matagal na diyalogo at pakikiusap ng parehong gobyerno ng Pilipinas at Malaysia na sumuko ng mapayapa ang mga taga-sunod ng Sultan ng Sulu, ang standoff sa Lahad Datu sa Sabah ay nauwi sa madugong engkwentro.

Sabado ng umaga, March 2, ng umalingawngaw ang mga putok sa pagitan ng puwerse ng Malaysian authorities at ng mga sundalo ng Sultanate of Sulu.

Halos Labing-apat ang mga naging casualties, labindalawa rito ay sa panig ng mga taga-sunod ng Sultan ng Sulu habang dalawa naman rito ay mula sa hanay ng mga Malaysian authorities na silang mga nakabantay sa lugar na kinaroroonan ng grupo ng mga Pilipino.

Isang pangyayaring ikinalungkot ng pamahalaan ng Republika ng Pilipinas at maging ng Malaysia.

Ang isyu ng Sabah ay isang napaka-sensitibong isyu sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia… tila ba’y isang mitsa na oras na masindihan ay tiyak isang napakalaking apoy ang lalagablab.

Matagal na ang isyu ng pag-aagawan kung kanino ba talaga ang Sabah, pero siguro hindi naman talaga ito ang isyung pinag-aawayan rito dahil sa anumang anggulo mo titingnan, magsagawa ka man ng mga pananaliksik, ilang mga libro ng kasaysayan man ang iyong basahin, ang lahat ng mga ito ay magsasabing ang Sabah ay pagmamay-ari at sakop ng Pilipinas.

Ang bagay na lamang na pinaglalaban rito ay ang muling panunumbalik ng Sabah sa ilalim ng kapangyarihan ng Pilipinas.

Wala pa ang mga kastila sa Pilipinas aktibo na ang sistemang panlipunan at pampahalaan sa bahagi ng Sulu at North Borneo. Aktibo ang kalakalan, aktibo rin ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga kaharian.

Ang lupain ng Sabah ay napasakamay ng Sultanato ng Sulu noong 1704 nang minsa’y iniligtas ng Sultan ng Sulu ang Sultan ng┬áBrunei┬ámula sa muntik ng pagpapatalsik rito sa puwesto…

… bilang kabayaran sa pagligtas ng Sultan ng Sulu, ipinagkaloob nito ang lupain ng North Borneo o mas kilala ngayon bilang Sabah sa Sultanato ng Sulu. Bagamat walang isang matibay na dokumentong magpapatunay rito, tinanggap na ito ng halos karamihan bilang valid at legal.

Simula noon, naging bahagi na ng Sultanato ng Sulu ang lupain ng Sabah, kung kaya’t ang dati’y Sultanate of Sulu ay naging Sultanate of Sulu and North Borneo.

Hindi lamang mahaba kundi masalimuot rin ang kasaysayan ng Sabah.

Mahilig ako sa kasaysayan kung kaya’t di bago para sa akin ang isyu ng Sabah. Subalit aaminin ko, sa kasalukuyang henerasyon ng mga kabataang Pilipino, halos karamihan ay hindi nauunawaan at hindi alam ang tungkol sa Sabah.

Ang dugong nananalantay mula sa Luzon, Visayas hanggang sa Mindanao ay siya ring pareho ring dugong nananalantay mapa-hanggan sa Sabah.

Kung ang mga dating namuno lamang sa Pilipinas ay naging matapang lamang at pinanindigan na pagmamay-ari ng bansa ang Sabah, di sana ay hindi na nangyayari ang mga ito ngayon.

Sinubukan noon ni Pangulong Diosdado Macapagal na muling maibalik ang Sabah sa Pilipinas. Nagsampa ito ng kaso sa International Court of Justice o ICJ, subalit ang kabilang panig, ang Malaysia, hindi kinilala ang naging aksyon ng Pilipinas. Kung kaya’t wala ring nangyari sa isinampang kaso.

Panahon ni Pangulong Ferdiand Marcos naisip nitong bawiin na ang Sabah, hindi sa pamamagitan ng papel o anumang porma ng diplomasya, bagkus sa pamamagitan ng puwersa. Subalit ang plano ay nauwi sa isang madugong pangyayari sa huli, ito ay ang kontrobersiyal na Jabidah Massacre.

Karamihan sa mga ni-recruit at sinanay na mga Muslim ay pinagpapatay ng kanilang nadiskobre ang tunay na plano ng pamahalaan ni Marcos, na gamitin sila bilang pangunahing puwersa na lalaban para bawiin ang Sabah.

Ang nangyaring Jabidah Massacre ay siyang naging hudyat ng rebilyon ng mga Moro sa Mindanao. Itinatag ni Nur Misuari ang Moro National Liberation Front o MNLF at ipinaglaban ang paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas. Subalit matutuldukan na rin diumano ito kasunod ng pagkakabuo sa Bangasamo Peace Agreement sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front o MILF.

Hawak noon ng Great Britain ang Malaysia. Bago pa man nabuo ang Malaysia, nirentahan ng mga British ang Sabah noong 1878 sa noo’y Sulu Sultan Mohammed Jamalul Alam sa halagang 5,300 ringgit o katumbas ng $5,000.

Sa liham ng noo’y Sulu Sultan Mohammed Jammalul Alam sa Governor General ng Pilipinas, pinabulaanan nito na benenta nito ang Sabah sa mga British bagkus ay pinarentahan lamang niya umano ito. Nagawa lamang diumano niya ito sa takot sa mga banta ng pag-atake ng mga British Forces.

Mula noon, sa pamamagitan ng Britis North Borneo Co. na siyang umupa sa Sabah patuloy ang pagbabayad ng renta sa Sultan ng Sulu. At nang nabuo ang Malaysia, nasama ang Sabah sa territoryo ng Malaysia.

Patuloy pa rin na nagbabayad ngayon ng renta sa Sabah ang Malaysia sa halagang P77,000 taon-taon sa pamilya ng Sultan ng Sulu. Isang uri ng aksyong nagpapatunay na pagmamay-ari pa rin ng Pilipinas ang Sabah.

Ang naging aksyon ni Sultan Jamalul Kiram III kamakailan na utusan ang mga taga sunod nito na magsagawa ng pagkilos sa Sabah ay bumasag sa kamalayan ng pamahalaan at ng sambayanang Pilipino na sana ay huwag nating kalimutan na ang ating bansa ay mayroon pang isang bahagi na hanggang ngayon ay inaangkin ng ating karatig na bansa.

Kung ang isyu sa West Philippine Sea ay ating ipinarating sa International Court of Justice at hiningi ang tulong ng UNCLOS, dagdag pa rito ang pagiging agresibo ng pamahalaan para sa modernisasyon ng sandatahang lakas ng bansa. Bakit ang isyu ng Sabah na mayaman rin sa mga deposito ng langis ay hindi natin kayang panindigan?

Sana buhay lang ang matikas na pangulong si Ferdinand Marcos, siguradong hindi tayo aabot sa ganitong sitwasyon na parang bata na nagpahiram ng isang pirasong laruan sa isang kaibigan pero walang lakas na bawiin.

Nabigyan ako ng pagkakataon na makapanayam si Sulu Sultan Jamalul Kiram III kamakailan lamang sa gitna ng mga pangyayaring ito, at ayon sa kanya higit pa sa kanilang pang-akin sa kanilang “ancestral territory”, ang diumano’y patuloy na nararanasang pagmamaltrato, pambubogbog, at pang-aabuso sa mga Pilipino sa Sabah ay siyang nagtulak para sa kanya at sa mga taga sunod nito na ilunsad ang pagkilos.

Totoo! Totoong may mga nangyayaring pambubogbog at pang-aabuso sa mga Pilipino. Yaan ay base sa mga video na natunghayan ng dalawa kong mata mula sa isang kaibigang mamamahayag rin.

Naawa ako. Naawa ako sa kung papaano malupit na nilalatigo ng mga Malaysians ang mga Pilipino roon. Nakakaawa. Hindi makatao.

Kung kaya’t hindi ko masisi ang mga taga ni Sultan Jamalul Kiram ng maglunsad ng pagsakop sa Sabah (kanilang naisip na paraan upang muling angkinin ang pagmamay-ari sa Sabah)

Bilang isang Pilipino dapat magkaisa tayong lahat, lalong lalo na ang mga tao sa pamahalaan na ipaglaban ang legal claim na pagbawi sa Sabah.

JOASH BERMEJO
News Reporter

3 thoughts on “SABAH, MALAYSIA O SABAH, PHILIPPINES?

  1. maliwanag na ang sabah ay pag aari ng pilipinas isang yaman na kailangan pagtuunan ng pansin makisali sa kababayan natin na tuluyang bawiin ang sabah sa pamamagitan ng diplomasya nasaan nga gobyerno anu ang ginagawa,mga kababayan natin naiipit na!

  2. I just made a comprehensive report regarding this matter. I should have read this before, anyways, since the issue is oh-so-hot, references are scattered everywhere. Goodluck pal, should blog more.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s