DAKILANG AMA

ernesto tinda
Tatlong dekada ng laman ng lansangan ng Pasig si Tatay Ernesto. Katuwang ng kanyang asawa, nagtitinda siya dito ng mga kakanin at dyaryo. Sa mahabang panahon, ang hanapbuhay na ito ang siyang tumustos sa mga pangangailangan ng kanyang pamilya.
Bagamat may edad na at may iniinda pang karamandaman, patuloy pa rin si Tatay Ernesto sa pagsusumikap sa pagtitinda lalo’t sa kanilang mag-asawa umaasa ang kanilang mga anak at mga apo.
Ani ni Tatay Ernesto, sadyang mahal na mahal lang niya ang kanyang mga anak at apo kaya naman kahit magkanda kuba na ito sa paghahanapbuhay ay tuloy pa rin umano siya sa pagtitinda.
arnel
Kabaligtaran naman ang sitwasyon ni Tatay Arnel, na dalawang taon ng nag-iisa sa buhay.
Dating magsasaka sa Nueva Ecija si Tatay Arnel, ngunit bunsod ng kahirapan sa probinsya, napilitan itong lumuwas ng Maynila at dito nakipagsapalaran.
Pag-aayos ng mga sirang payong ang ikinabubuhay ni Tatay Arnel dito sa Maynila. Kung dati rati’y kubo ang tirahan noong ito ay nasa probinsya pa lamang, ang ilalim ng tulay na ang nagsisilbi ngayong tahanan ni Tatay Arnel.
Biyudo na at may kanya-kanya ng pamilya ang mga anak ni Tatay Arnel. Ngunit sa kabila ng kanyang pag-iisa sa buhay, nangingibabaw pa rin kay Tatay Arnel ang pagmamahal at pag-aalala sa kanyang mga anak.
Ating talakayin ang iba’t ibang mukha ng buhay ng mga ama at kung gaano nga ba kahirap ang pagiging isang padre de pamilya. Ngayong Miyerkules, sa Diyos At Bayan, LIVE alas-8:00 ng gabi sa Light Network Ch. 33.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s