‘CHexit’ panawagan ng mga Netizens vs China

By Joash Bermejo | July 12, 2016

The Philippine delegation waiting for the start of Day 4 of the hearings.

Ilang oras na lang bago ibaba ng UN Arbitral Tribunal ang desisyon nito sa kasong isinampa ng Pilipinas laban sa China kaugnay ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea, umano ngayon ng suporta ang Pilipinas mula sa iba’t ibang mga bansa at maging sa netizens.

Sa Social Media nag trending ang panawagang “CHexit” o “China Exit” na kinuha mula sa pumatok na “Brexit”  matapos na humiwalay ang United Kingdom sa European Union (EU)

Ang “CHexit” ay panawagan ng mga netizend sa social media na panahon na para abandonahin ng China ang pananakop nito sa ilang isla sa West Philippine Sea.

Ito ay sa kabila na inaasahan na magmamatigas ang China at hindi susunod sa ruling ng Permanent Court of Arbitration sakaling paboran ang Pilipinas.

Sa Twitter ay idinaan ng ilang mga netizens ang kanilang panawagan gamit ang hashtag na #CHexit na ngayon ay trending.

ChexitChexit1Chexit2Chexit3

Simula pa noong umarangkda ang kaso ay iginiit na ng China na hindi ito sasali at hindi nito kikilalanin ang kaso.

Ngayong araw ay nakatakdang ilabas ng UN Arbitral Tribunal ang desisyon nito ganap na 11:00 ng umaga sa Tha Hague, Netherlands (o alas-5:00 ng hapon dito sa Pilipinas).

Sa pahayag nito sa media, nanawagan si DFA Spokesman Charles Jose sa China na respetuhin at sundin nito ang desisyon lalo kapag ito ay hindi sa kanila.

Umaasa ang DFA na papabor sa Pilipinas ang magiging desisyon ng tribunal.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s